Normal lang magmahal di ba? Normal lang yung magkagusto ka? At di rin naman di ba importante kung may next stage pa bang darating sa pagkagusto mo? Sana nga. Sana nga. Kasi sa nakikita ko ngayon, wala eh, wala. Hanggang tingin nalang ako kahit na mahal na mahal ko talaga siya. Ewan ko ba, ang sabi ng puso ko, "Lapitan mo at makipag-usap ka", pero ang katawan ko parang naninigas, bumibigat ba, yung tipong "Ayaw ko. Di ko kaya". Ganun eh.
Tapos, darating pa yung isa d'yan. Mabuti pa siya nagagawa niya yung mga bagay na di ko magawa. Mabuti pa siya nakakausap ng matagal yung gustong gusto kong kausapin. Mabuti pa siya kaya niyang tumabi sa kanya sa upuan, magpakita ng motibo, pero ako? Ano? Tingin nalang? Kahit na nasabi ko na yung gusto kong sabihin sa kanya,wala eh. Mahina ang loob, ganyan ba ako? Eh bakit pag magrereport ako di naman ako kinakabahan? Pag may performance sa stage, parang wala lang. Pero bakit pagdating sa kanya parang hinihigop yung pagkalalaki ko? Bakit bigla nalang akong pinanghihinaan? Ganito ba talaga ang in love? Eh bakit siya? Bakit siya nagagawa niya yung mga bagay na di ko kaya? Di ba siya in love? O baka naman di ako in love at siya ang in love? O baka naman talagang mas lalaki siya sa akin, at ako naman, heto, hanggang type lang, text. Torpe? Yan ba ako? Torpe? Naipapasa ba yan sa mga anak? Kasi as I know of, ang mga tito ko, pinsan ko, kapatid ko, tatay ko, at lolo ko, lahat sila mga chick boy, malalakas sa babae, madaling dumiskarte. Anong nangyari pagdating sa akin? Ampon ba ako? Whahahahaha.Wag naman sana. Pero yun eh. Kagwapuhan lang ba namana ko sa kanila? Eh ang lakas ng loob pagdating sa babae, nasaan? Wala! Whahahaha.
O baka naman... pinipili nalang ng katawan kong wag gumawa ng move sa kanya dahil sa mga pinag-iisip ng utak ko. Kesyo baka makasakit ako, o baka masaktan lang ako. Kesyo di pa ako ready at di pa siya ready. Kesyo baka makaistorbo ako sa pag-aaral niya. Kesyo baka mapabayaan ko pag-aaral ko. Kesyo baka magmukha akong tanga. O baka mareject lang ako. Ewan ko ba.
Pero kung tutuusin, tanggap ko namang ganito nalang muna (Muna yan ha. Muna. Which means baka may maganap na next time. Whahahaha. Nangarap). Hindi ko gagawing palusot yung "Pag-aaral muna bago lovelife" o "Strict ang Parents ko". Siguro, magandang palusot ay yung, kung mahal ko siya, then so be it, mamahalin ko siya. Pero kailangan bang maging kami muna bago ko siya mahalin? Pwede naman sigurong magmahal kahit walang tawagan di ba? As long as alam kong tunay yung nararamdaman ko.
Paano kung mahalin ko siya pero di niya ako mahalin? Eh di bahala na. Ang pagkakaintindi ko naman eh, "Love is a Sacrifice". Di naman kailangang mutual eh, di naman tayo lovebird, tao tayo, kaya nating baliktarin ang naturaleza na nagsasabing "Ang Pag-ibig, kailangan nagseshare kayo", eh di hindi na yun basta love, "Romantic Love" na yun. Bata pa ako para jan. Este, bata pa kami para jan. Whahahaha.
Teka lang, Am I being a martyr of my feelings? Pretending not to be hurt whenever I see him doing what i should be doing? Or am I being ignorant? Siguro nga. Tanga lang ako. So what? In love naman. Whahahahahaha.
Oo nga pala, ako si Mark Vinnie Buen Amante. Isang Fictional Character na naglalayong sabihin ang gustong sabihin ni author.
#Pearl of my Red Sea
Isang Kaniguan
Thursday, March 21, 2013
Monday, March 18, 2013
Ang Love ay Parang Math, It's Complicated
Una, ang math ay mahirap matutunan kung mag-isa ka lang. Kailangan mo ng magtuturo sa'yo, parang love, hindi ka matututo mag-isa, kailangan mo ng isang tao na magtuturo sa'yo kung paano ba magmahal, at ang mas masaklap, kung ano ba ang feeling na nasasaktan.
Pangalawa, ang math ay nakaka-stress, masakit sa ulo. Parang love, 'pag talagang magulo na ang sitwasyon (i.e. ang mahal mo, mahal ng mahal ng kaibigan mo na mahal ng mahal mo na mahal ka). 'Yung tipo ba na sa sobrang gulo, gusto mo nang bumitiw pero 'di pwede, hinahatak ka parin eh, parang math, kahit gaano mo kagustong takasan, lagi yang nandyan.
Pangatlo, ang math ay sineseryoso. Parang love, ang love ay dapat sineseryos, kasi kapag 'di to sineryoso, it's either makakasakit ka o magbaback-fire sa'yo yung ginagawa mo (please refer to karma). At isa pa, tulad ng math, 'pag di mo sineryoso ang love, babagsak ka, at alam naman natin na lahat ng marupok na bumabagsak ay tiyak na mababasag, so, kung magmamahal ka siguraduhin mong seryoso, so kung mag-aaral ka ng math, parang awa mo naman, mag-aral ka talaga.
Pang-apat, ang math madali lang sa simula. Kumbaga, noong arithmetic palang ang pinag-aaralan ay sisiw na sisiw lang, pero nung Algebra na, o Statistics, hala, nganga. Para lang sa love.. sa umpisa madali lang yan, magpapakasweet ka lang, titigan, holding hands, kwentuhan, pero habang tumatagal, papasok na jan yung mga conflicts (i.e. selosan, nagkakasawaan, artehan, awayang walang saysay, mga kaniguan ng nagmamahalan kumbaga) [Author's Note... sa mga 'di po pala nakakaintindi nung kaniguan, bicol word po yan para sa walang saysay, walang kabuluhan, vain, yun]. Kaya parang sa math lang din, kailangan magmuni-muni, mag-advance reading at mag-overtime sa pag-aaral. Tandaan, walang mas magandang remediyo sa problema kundi sariling pagkukusa.
Pang-lima, 'di dapat sinisisi ang math kung bakit ka nahihirapan. Like love, wala kang karapatang sisihin ang love kung nasasaktan ka na. Alam mo kung sino/ano ang dapat sisihin? wala. "It all happens for a reason", ika nga, so bakit ka magagalit sa tadhana? Isa pa, "They are just doing their jobs", so "Mind your own business and eat your cereals". Mag-adjust nalang, parang sa math... kung talagang nahihirapan ka sa isang problem, try mo gumawa ng sarili mong formula, pero 'pag talagang walang epekto, eh di sumuko! 'Di naman masama sumuko eh, 'wag lang araw-arawin.
Pang-anim, It takes a lot of effort to understand math, kung wala kang sikap, wala kang mapapala. Parang love, kung wala kang sense of patience at tatag, mahina ka. Kailangan matutong magtiis kung gusto mo talaga magmahal, kung 'di mo kaya, titigan mo nalang siya saka mo isiping magbago.
Pang-pito, ang math komplikado... parang love lang, It's complicated. Ganito din yung first blog ko. Komplikado, ni 'di ko nga maintindihan eh (partida pa yan, ako gumawa niyan) whahaha. By the way, kung sa tingin mo katanggap-tanggap yung mga pinaglalagay ko rito, mag-isip isip ka, baka nagkakamali ka. Whahaha. Just for the record, my ideas about love ay mas kaunti pa sa buhok ni lolo eh kaya you can consider me an "unreliable source", but then again, as a keen observer, yan ang sa tingin kong tama. whahahahaha.
Pang-walo, ang math walang katapusan, taon-taon halos may mga pagbabago. Parang love, it's endless, since Adam and Eve nandyan na yan at expected na nandyan pa rin hanggang sa panahong kailangan na natin ang mga plants para sugpuin ang kampon ng mga zombies. whahahaha. Unlike math and love, ang composition ko hindi endless, so I shall bade goodbye and faremell, adieu. whahahaha
#Pearl of my Red Sea
Subscribe to:
Posts (Atom)