Normal lang magmahal di ba? Normal lang yung magkagusto ka? At di rin naman di ba importante kung may next stage pa bang darating sa pagkagusto mo? Sana nga. Sana nga. Kasi sa nakikita ko ngayon, wala eh, wala. Hanggang tingin nalang ako kahit na mahal na mahal ko talaga siya. Ewan ko ba, ang sabi ng puso ko, "Lapitan mo at makipag-usap ka", pero ang katawan ko parang naninigas, bumibigat ba, yung tipong "Ayaw ko. Di ko kaya". Ganun eh.
Tapos, darating pa yung isa d'yan. Mabuti pa siya nagagawa niya yung mga bagay na di ko magawa. Mabuti pa siya nakakausap ng matagal yung gustong gusto kong kausapin. Mabuti pa siya kaya niyang tumabi sa kanya sa upuan, magpakita ng motibo, pero ako? Ano? Tingin nalang? Kahit na nasabi ko na yung gusto kong sabihin sa kanya,wala eh. Mahina ang loob, ganyan ba ako? Eh bakit pag magrereport ako di naman ako kinakabahan? Pag may performance sa stage, parang wala lang. Pero bakit pagdating sa kanya parang hinihigop yung pagkalalaki ko? Bakit bigla nalang akong pinanghihinaan? Ganito ba talaga ang in love? Eh bakit siya? Bakit siya nagagawa niya yung mga bagay na di ko kaya? Di ba siya in love? O baka naman di ako in love at siya ang in love? O baka naman talagang mas lalaki siya sa akin, at ako naman, heto, hanggang type lang, text. Torpe? Yan ba ako? Torpe? Naipapasa ba yan sa mga anak? Kasi as I know of, ang mga tito ko, pinsan ko, kapatid ko, tatay ko, at lolo ko, lahat sila mga chick boy, malalakas sa babae, madaling dumiskarte. Anong nangyari pagdating sa akin? Ampon ba ako? Whahahahaha.Wag naman sana. Pero yun eh. Kagwapuhan lang ba namana ko sa kanila? Eh ang lakas ng loob pagdating sa babae, nasaan? Wala! Whahahaha.
O baka naman... pinipili nalang ng katawan kong wag gumawa ng move sa kanya dahil sa mga pinag-iisip ng utak ko. Kesyo baka makasakit ako, o baka masaktan lang ako. Kesyo di pa ako ready at di pa siya ready. Kesyo baka makaistorbo ako sa pag-aaral niya. Kesyo baka mapabayaan ko pag-aaral ko. Kesyo baka magmukha akong tanga. O baka mareject lang ako. Ewan ko ba.
Pero kung tutuusin, tanggap ko namang ganito nalang muna (Muna yan ha. Muna. Which means baka may maganap na next time. Whahahaha. Nangarap). Hindi ko gagawing palusot yung "Pag-aaral muna bago lovelife" o "Strict ang Parents ko". Siguro, magandang palusot ay yung, kung mahal ko siya, then so be it, mamahalin ko siya. Pero kailangan bang maging kami muna bago ko siya mahalin? Pwede naman sigurong magmahal kahit walang tawagan di ba? As long as alam kong tunay yung nararamdaman ko.
Paano kung mahalin ko siya pero di niya ako mahalin? Eh di bahala na. Ang pagkakaintindi ko naman eh, "Love is a Sacrifice". Di naman kailangang mutual eh, di naman tayo lovebird, tao tayo, kaya nating baliktarin ang naturaleza na nagsasabing "Ang Pag-ibig, kailangan nagseshare kayo", eh di hindi na yun basta love, "Romantic Love" na yun. Bata pa ako para jan. Este, bata pa kami para jan. Whahahaha.
Teka lang, Am I being a martyr of my feelings? Pretending not to be hurt whenever I see him doing what i should be doing? Or am I being ignorant? Siguro nga. Tanga lang ako. So what? In love naman. Whahahahahaha.
Oo nga pala, ako si Mark Vinnie Buen Amante. Isang Fictional Character na naglalayong sabihin ang gustong sabihin ni author.
#Pearl of my Red Sea
Casino Slots at Borgata Hotel Casino & Spa
ReplyDeleteCasinoSlots.com features over 100 free slots, video poker machines and 정읍 출장샵 80+ 창원 출장마사지 table games. 화성 출장안마 Play 김해 출장샵 now! Sign Up!, 경산 출장안마 Free to Play!